Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol sa Dios

243

UMAASANG AKO’Y AAKBAYAN

My Father Watches Over Me

Saan man naruon, ikaw’y iingatan. Awit 121:8

1

Umaasang ako’y aakbayan,

Kahit saang lupa o dagat man;

Ano man ang pangyarihan,

Ako ay Kanyang aalalayan.

Chorus (Koro)

Umaasang ako’y babantayan,

Kahit saang lupa o dagat man;

Kalul’wa ko’y iingatan

Ng aking Ama sa kalangitan.

2

Maging ibon man sa kaparangan

Kanyang lubos na binabantayan;

Lalong higit akong mahal,

Na ililigtas sa kagipitan.

3

Kung bulaklak ay pinararamtan

Ng maraming magagandang kulay;

Ako’y walang alinlangan

Lalo Niya akong mabibigyan.

4

Sa Dios akoy lubos ang tiwala,

Sa yungib man kahirapa’t digma;

Sa l’walhati o sakuna

Pag asa ko’y ang kanyang kalinga

.

Music
CHGabriel

Imnario page 259