Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Pag-ibig at Pag-iingat

244

KAHANGAHANGANG BIYAYA

Amazing Grace

Ako’y naging bulag, ngayo’y nakakakita. Jn. 9:25

1

Kahanga hangang biyaya

Sa buhay kong aba,

Dating nawawala, natagpuan Niya

Bulag nakakita.

2

Biyaya sa’king kalul’wa

Pamawing pangamba,

Biyaya ni Jesus lubhang mahalaga

Nang tanggapin Siya.

3

Ang Dios ay mayroong tipan

Na maasahan

Kanyang iingatan, di pababayaan

Habang nabubuhay.

4

Sa hirap na naranasan

May pagtatagumpay,

Biyayang nagligtas, s’ya ring magaakay

Hanggang sa tahanan.

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo

Imnario page 260