Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol sa Dios

245

DIWANG BANAL, HALINA

Come Holy Spirit

Pinalaya na ako sa batas ng Espiritung nagbibigay-buhay. Rom.8:2

1

Diwang Banal ay halina

Kaalama’y dagdagan

Palakasin ang mahina

Sa buong katauhan.

Chorus (Koro)

Diwang Banal ay halina

At ako’y kasihan,

Ng iyong kapangyarihan

Sa tangi Mong paraan.

2

Diwang Banal ay halina

Bigyang kapahingahan,

Parang hamog sa umaga

Dulot ay kagalakan.

3

Diwang Banal ay halina

Sa tigang na kalul’wa

Nang sa bukal na sagana

Bayaang manariwa.

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
WJGaither

Imnario page 261