Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tatlong Persona

246

KABANALBANALAN

Holy, Holy, Holy

Banal, banal, banal ang Panginoong Dios. Apoc.4:8

1

Kabanalbanalan, Dios Amang maalam,

Tunghayan ang bayang na sa’yong harapan,

Kabanalbanalan, makapangyarihan,

Pag-isahin sa pananambahan

2

Kabanalbanalan, O Jesus na buhay,

Pagpupugay namin ay ibinibigay,

Sa iyong paanan ay iniaalay,

Puri, l’walhati na walang hanggan.

3

Kabanalbanalan, Diwang tanging ilaw,

Sa landas ng buhay mangyaring tanglawan;

Ang Inyong bandila ng katotohanan,

Tulutang aming maiwagayway.

4

Kabanalbanalan, makapangyarihan,

Sa paguumaga, Ikaw’y aawitan;

Kabanalbanalan, mahabaging tunay,

Tatlong personang Dios na marangal. Amen.

Lyrics
Bishop Alejandro H. Reyes · printed as ObAHReyes
Music
JBDykes

Imnario page 262