Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol kay Jesu-Cristo

252

DIWA NG PASKO

Spirit of Christmas

Masusumpungan ang Sanggol sa

isang pasabsaban. Luc.2:12

1

Diwang Pasko sa aki’y dalisay na pagibig,

Pagsintang di nagmamaliw na nagmumula sa langit,

Sa sabsaban ay sumilang, sa hayop na kanlungan,

Naging mangingibang bayan, dayami ang hinigan.

Chorus (Koro)

O pagibig, kung Pasko’y sumapit,

Ipahayag at idamay

Ang pagibig na dalisay.

Ang pagibig ay ating iawit

Ang diwa ng Pasko’y tunay

Na pagsintang dalisay.

2

Sa nahahapis ang dulot, dalisay na pagibig,

Ikalat sa sansinukob, ang nagbuhat sa langit,

Pag-ibig lingap at awa ay ihayag sa madla,

May bunga ang gintong nasa, sa langit na payapa.

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda

Imnario page 267