253
ISANG GABING MABITUWIN
It Came Upon the Midnight Clear
Dinadalhan ko kayo ng mabuting balita. Luc.2:10
1
Isang gabing mabituwin, sa lupa’y dumating,
Balitang sa langit galing, Dios ang may pasabing
Sa lupa’y kapayapaan, buhat kalangitan;
Sa maralitang sabsaban, si Cristo’y sumilang.
2
Pastores na nagbabantay ng kawan sa parang,
Ang unang binalitaaan, na s’yang gising lamang.
Buong mundo’y nahihimbing, tulog ay malalim:
Talang anong pagka ningning ang nikat sa belen.
3
Kaya lahat ay magalak, Mayaman at salat,
Maging marunong at pahat, magdiwang na lahat.
Bata’t matanda’y magsikap, ang puso’y ibukas,
Si Cristo na Manliligtas, Ngayo’y inianak
- Lyrics
- MBanting
- Music
- RSWillis
Imnario page 268