254
BALITA’Y IKINALAT
The Gospel Bells Are Ringing
Inihayag nila ang mga sinabi tungkol sa Sanggol. Lukas 2:17
1
Balita’y ikinalat, na sa langit nagbuhat,
Sa madla’y ipinahayag, tayo ay iniligtas.
At sa pagibig ng Dios, Isinugo si Jesus,
Upang tayo ay masakop, ng dakilang pagirog.
Chorus (Koro)
Ihayag sa lahat,
Kay Jesus na pagliyag;
Ihayag sa lahat,
Ang Kanyang pagliligtas! Amen!
2
Ang sugoy tumatawag, may anyaya sa lahat,
Ang piging N’yay hindi hamak,
tanggapi’t magpaunlak.
Si Cristo ang tinapay at ang tubig ng buhay
Nasa ati’y inialay ng Amang nagmamahal.
3
Awit ng kagalakan, ating ipailanglang,
Si Jesus ay isinilang sa abang pasabsaban.
Taglay ang kaligtasan ng buong sanglibutan,
Tanggapin sa puso’t buhay nang ligaya ay kamtan
- Music
- SWMartin
Imnario page 269