Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kapanganakan

255

ANG GABI AY MATAHIMIK

Silent Night! Holy Night

At masusumpungan si Maria at si

Jose at ang Sanggol. Mateo 2:16

1

Ang gabi ay matahimik, Payapa at marikit,

Sa Anak at Ina ay paligid,

O Sanggol na nanggaling sa langit,

Mapayapang umidlip, Mapayapang umidlip.

2

Ang gabi ay maliwanag, Ang dilim ay tumakas.

Mga anghel ay nangagpahayag,

Aleluya, Siya ay itanyag!

Cristo, bugtong na Anak, Cristo bugtong na Anak!

3

O Anak na nagpahayag ng sa Dios na pagliyag,

Sa mukha Mo ay namamanaag

Ang biyaya Mo at pagliligtas,

Hulang saad sa Aklat, hulang saad sa Aklat.

4

Tanging talang aming ilaw,

Ning-ning moy ipahiram,

Mga angel ay ating saliwan,

Ng Aleluya, sa pagdiriwang,

Si Jesus ay sumilang, Si Jesus ay sumilang!

Lyrics
VGCabildo
Music
FGruber

Imnario page 270