Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol kay Jesu-Cristo

256

O KAY GANDANG GABI

O Holy Night!

Ang ipinanganak mo’y tatawaging

Anak ng Dios. Luc.1:35

1

O kay ganda, bitui’y nagliliwanag

Gabi nang si Jesus ay ianak,

Ang daigdig sa sala nakalagak

Nang dumating ang Tagapagligtas.

Ang pag asa ay araw na sumikat,

Nagsasabog ng matinding galak

Magsiluhod, dinggin ang pinahayag

Gabing banal, nang Cristo’y ianak

Gabing banal, nang Cristo’y iaanak.

2

Ang pananalig ang sa ati’y umakay,

Upang dalhin sa Kanyang harapan,

Tulad ng Mago, tala ang patnubay,

At naghatid sa Kanyang paanan.

Ang Haring nahimlay sa pasabsaban,

Kaibigang sati’y nagbabantay,

Nalalaman ang ating kahinaan.

Hari’y masdan, Siya ay luhuran,

Hari’y masdan, Siya ay luhuran.

3

Turo Niya ang kapawa ay ibigin,

Ang kapayapaan ang susundin.

Tatanggalin ang gapos ng alipin,

Patitigilin ang paniniil

Mga imno ng t’wa ang aawitin

Ng buong puso’t buhay na angkin

Panginoon, Ikaw ay purihin

Ang ngalan Mo ay aming sambahin

Ang ngalan Mo ay amiing sambahin.

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
AAdam

Imnario page 271