265
SA BETHLEHEM NA BAYAN
Glory in the Highest
Bethlehem…mula sa iyo ay lalabas ang
isang Gobernador. Mat.2:6
1
Sa Bethlehem na bayan,
Doon ay isinilang
Ang tanging kaligtasan,
Haring walang hanggan.
Chorus (Koro)
Si Jesus buhay natin,
Ilaw na maluningning,
Halina at purihin,
Ng buong paggiliw.
2
S’ya ay Haring marangal
Ng buong sanglibutan,
Upang maging uliran,
L’walhati’y iniwan.
3
Ang Kanyang pagliligtas,
Ay ukol sa ating lahat,
Upang ating matanggap,
Sa bata tumulad.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- FCCabildo
Imnario page 280