266
TALANG MANINGNING NG BETHLEHEM
Beautiful Star of Bethlehem
Aming nakita ang Kanyang bit’win sa silanganan. Mat.2:2
1
Talang maningning ng Bethlehem
Sa Palestina ay napansin;
Tinapatan ang Batang himbing,
Si Jesus na S’yang Hari natin.
Chorus (Koro)
Silang, O tala ng Bethlehem,
Bigyang liwanag, buhay namin,
Lungkot ng puso ay pawiin
At kay Jesus kami’y dalhin.
2
Talang maningning ng Bethlehem,
Ilantad mo ang sala namin
Kadilima’y paliwanagin
Kapayapaa’y palagiin.
3
Talang maning ning, liwanagan
Ang mga puso na may lumbay,
Ipahayag ang kababaan
Ng Sanggol, nguni’t Haring mahal.
- Lyrics
- Federacion
Imnario page 281