267
HAYO AT IPAGHIYAWAN
Go, Tell It on the Mountain
Magsihiyaw sila sa taluktok ng mga bundok. Isa.42:11
Chorus (Koro)
Hayo’t ipaghiyawan,
Ipamalita sa bayan
Hayo’t ipagsigawan,
Si Jesus sumilang.
1
Mga pastol ng kawan,
Habang nababantay
Nakakita ng Ilaw
Mula kalangitan.
2
Sila’y nahintakutan
Nguni’t napakinggan,
Ang anghel na nagsaysay
Balitang kay inam.
3
Sa munting pasabsaban,
Dayaming himlayan
Nang unang Paskong araw,
Si Cristo’y sumilang.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- Traditional Spiritual
- Arranged by
- BWolaver
Imnario page 282