TULAD SA TINIG NG ANGHEL
Whispering Hope
Si Jesu-Cristo na ating mapalad na pagasa. 1Tim.1:1
Tulad sa tinig ang anghel, may taglay na aralin,
Ang pag asa ng damdami’y may
bulong na pang-aliw;
O hintayin na maparam, ang sigwa at karimlan,
At ang araw ay asahan, sa pagtila ng ulan.
O pag asa, May taglay na ligaya
(O pag asa, Pagasa May taglay na ligaya)
Ang puso ko’y wala nang balisa.
(Aking puso, aking puso, wala nang)
Pagdating ng takip silim at laganap ang dilim
Di ba lalo pang maningning ang liwanag ng bitwin?
Kung gabi ay umiiral, bakit manglulupaypay?
Kung mapawi ang karimlan ay
may bagong liwayway.
May gintong butil ng aral sa larangan ng buhay,
Tiisin at kapalaran, may dalang pakinabang;
Di ba ang nagpapatibay ay ulan, hangi’t araw?
Sa dugo, luha’t pawis lang, giting ay sumilang.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- AHawthorne
Imnario page 283