Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay at Ministerio

271

ANG PAG-IBIG NG DIOS

The Love of God

Ang pagibig ni Cristo na di masayod. Ef.3:19

1

Ang pagibig ng Dios sa ‘tin,

Hindi kayang sambitlain

Matayog pa kaysa bit’win,

Higit sa Hades ang lalim.

Ang kasalanan sa Eden,

Kailangang tubusin

Kanyang Anak naging hain

Upang patawarin.

Chorus (Koro)

O dalisay na pagibig,

Di kayang malirip,

Walang hanggan, inaawit

Ng anghel sa langit.

2

Lilipas ang mga araw,

Mga lupang kaharian

Ang masalang sanlibutan

Matutong manambitan.

Pagibig N’ya’y walang hanggan

At may katiyakan

Ang biyayang kaligtasan

Kanyang ibibigay.

3

Kung tinta ang mga dagat

Nasa langit isusulat,

Mga siit ay plumang hawak

Bawa’t tao’y manunulat.

Mauubos ang panunulat

Tuyo pati dagat,

Dipa kayang maiulat

Pagibig N’yang wagas.

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
FMLehman

Imnario page 286