272
NANG DAHIL SA PAG-IROG
Sweeter as the Years Go By
Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig. Jer.31:3
1
Nang dahil sa pagirog buhay ko’y tinubos,
Sa biyayang pagsakop ng aking si Jesus,
Sa lawak ng pagirog, buhay inihandog,
Puso ko’y nalamuyot, natutong sumunod.
Chorus (Koro)
Matamis Niyang pag-ibig,
Matamis N’yang pag-ibig,
Ay nagiibayo habang lumalawig,
Matamis N’yang pag-ibig.
2
Nilakad ang Judea, hanap ay may sala,
Mga taong sumama nasa ay ginhawa;
Lunas ng nagdurusa, liwanag ng mata,
Pagibig at ligaya ang idinulot N’ya.
3
Kahanga-hangang tunay pagsakop sa tanan,
Sa krus nang mabayubay si Cristong namahal;
Samahan sa awitan ang nagtamong buhay,
Ang Dios ay papurihan na may kagalakan.
- Lyrics
- MBanting
- Music
- CHMorris
Imnario page 287