Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Buhay at Ministerio

273

O CRISTONG KAIBIG-IBIG

What a Friend We Have in Jesus

Dalhin lahat ng kahilingan sa Dios. Fil.4:6

1

O Cristong kaibig-ibig, umaako ng sakit,

Sa dalangi’y ninanais lagi Kang makinig.

Kay bigat ng kasalanan kung kami ang papasan;

Kung Ikaw ay kaagapay, hirap ay naiibsan.

2

Mahigpit ba ang pagsubok, hirap ay salimuot?

Ang puso’y h’wag mangilabot,

kay Jesus ay lumuhog.

May tunay bang kaibigan sa lahat ay karamay,

At tanto ang kahinaan? Tanging si Jesus lamang!

3

Tayo ba’y nahihirapan sa sapin-saping pasan?

Si Jesus ang S’yang kanlungan,

laging dadalanginan.

Ang kasama ba’y naglilo? Lapit kay Jesu Cristo!

Ligayang gantimpala mo, nakalaan saiyo.

Music
CCConverse

Imnario page 288