Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol kay Jesu-Cristo

281

ANG PUSO KO SA PAGAALAALA

Until Then

At mapasa tahanan kasama ang Panginoon. 2 Kor.5:8

1

Ang puso ko, sa pag aalaala

Umaawit kahit na may dusa;

Paglalakbay, mahirap man tuwina,

Kalul’wa ko’y di rito hahangga.

Chorus (Koro)

Ang puso ko’y patuloy sa pag awit

Ligaya’y walang kahuliplip,

Hanggang datnin ang tahanan kong langit

Sa piling ng mangingibig.

2

Lahat ng bagay sa mundong ibabaw

Ay lilipas, mawawalang saysay;

Kahit ano pawang hiram nga lamang,

Gunitain ma’y di magtatagal

3

Itong mundo, lahat n’yang pagsisikap

Magdaranas ng sakit at hirap;

Ang kalul’wa sa langit malalagak

Parang ibon, pag laya’y lilipad.

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
SHamblen

Imnario page 295