Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kamatayan sa Krus

282

SA BUROL MAYRO’NG KRUS

The Old Rugged Cross

Siya’y naging masunurin hanggang kamatayan sa krus. Fil.2:8

1

Sa burol ay mayro’ng natayong lumang krus,

Tanda ng hirap at pag-ayop,

Yaong krus na pangit di ko malilimot,

Doon ipinako si Jesus.

Chorus (Koro)

Krus ay mamahaling kong tunay,

Hanggang buhay ko ay pumanaw,

Sa krus ay laging mananangan,

Nang kamtin ang putong ng buhay

2

Yaong krus na lumang sa dugo’y natigmak,

May ganda akong namamalas,

At doon si Jesus, nagtiis ng hirap,

Nang aking kamtin ang patawad.

3

At sa krus na pangit ako ay kakapit,

Sa kutya ay handang magtiis,

Ako at dadalhin ni Jesus sa langit,

Na tuwa’y walang kahulilip.

Yaong krus na lumang sa dugo’y natigmak,

May ganda akong namamalas,

At doon si Hesus, nagtiis ng hirap,

Nang aking kamtin ang patawad.

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Music
GBernard

Imnario page 296