Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol kay Jesu-Cristo

283

NANG DAHIL SA SALA’Y PATAY

O Wondrous Cross

Si Cristo ay namatay dahil sa atin. Rom.5:8

1

Nang dahil sa sala’y patay,

Si Cristo ay nabayubay

Upang ako ay mabuhay;

Ang langit ay makakamtan.

Chorus (Koro)

Nang sa sala ako’y lugmok,

Ang buhay ko ay tinubos;

Malapit lang ako sa Dios,

Sarili N’ya’y inihandog.

2

Nang ako’y lubhang masala,

Si Cristo kong mapaninta

Sa Krus Siya ang dumipa,

Parusa ko’y inako N’ya.

3

Nang sa apoy nauumang,

Sa nagawang kasalanan,

Si Cristo ang s’yang umagaw

Sa parusang walang hanggan.

4

Aawitin ngalang Jesus

Habang puso’y tumitibok,

Ngalan Niya’y ibabantog

Hanggang buhay ko’y malagot.

Music
GCStebbins

Imnario page 297