287
BUHAY ANG DIOS
He Lives
Ako’y nabubuhay magpakailanman. Apoc.1:18
1
Buhay ang Dios na aking pinaglilingkuran,
Batid kong sa’king puso, Siya’y nabubuhay,
Mapangaliw N’yang tinig, pamawi ng lumbay
Mapagkupkop N’yang bisig ay patnubay.
Chorus (Koro)
Siya’y buhay, Si Cristo buhay,
Kausap ko at kaakbay saan man dumatal.
Siya’y buhay, kaligtasa’y taglay,
Sa puso ko Siya’y buhay, Siyang aking mahal.
2
Maging saan sumapit, panatag ang dibdib
Sa hirap ma’t hilahil, Siya ang kaniig,
Maging sigwa’t buhawi hindi mananaig,
Pagka’t aking kapiling, Dios kong ibig.
3
Sa Haring Manunubos, ngayo’y magpuri ka,
Awiti’y aleluya sa Dios ng pagsinta,
Siya’y tanging pag asa ng puso’t kalul’wa.
Walang hanggang pagibig ay dulot N’ya.
- Lyrics
- NBAbesamis
- Music
- AHackley
Imnario page 301