288
S’YA AY BUHAY
Because He Lives
Sapagka’t Ako’y nabubuhay, mangabubuhay
rin naman kayo. Juan 14:19
1
Ibinigay na katubusan
Anak Niyang minamahal;
S’yay namatay, muling nabuhay,
Saksi nito ay libingang walang laman.
Chorus (Koro)
S’ya ay buhay kung kaya ang bukas
Panatag kong mahaharap,
Pagka’t alam S’ya ang may hawak
Ng buhay kong may halaga hanggang wakas.
2
O kay sarap na magalaga
Munting sanggol, anong tuwa.
Hinaharap n’ya’y mapayapa
Sa piling ni Jesus na S’yang magaadya.
3
At pagdating ng huling araw
Duon sa kabilang pampang,
Ang tagumpay, kakamting tunay
Sa liwanag ng Kanyang kal’walhatian.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- WJGaither
Imnario page 302