289
SI CRISTO AY NABUHAY
Christ the Lord Is Risen Today
Siya’y nagbangon sa mga patay. Mat28:7
1
Si Cristo ay nabuhay, Aleluya
Anghel ay nagsasaysay, Aleluya
Awitin ang tagumpay, Aleluya
Lahat ay magawitan, Aleluya.
2
Pagsakop nagampanan, Aleluya
Nagwagi sa labanan, Aleluya
Nagbangong matagumpay, Aleluya
Ang langit ay awitan, Aleluya.
3
Palalong kamatayan, Aleluya,
Tibo mo ay nasaan, Aleluya
Si Jesus ay nabuhay, Aleluya,
Sa iyo’y nagtagumpay, Aleluya.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- Lyra Davidica
Imnario page 303