Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Muling Pagparito

297

YAMANG ATING NAMASDAN

In the Prison Cell I Sit

Siya nawa: pumarito Ka, Panginoong Jesus. Apoc.22:20

1

Yamang ating namasdan, sa mundo’y nagdaraan,

Ang ibat-ibang pagsubok sa buhay,

May mga tandang tunay, si Jesu Cristong banal,

Sa Kanyang nalalapit na pagdatal.

Chorus (Koro)

Si Cristo ay darating na, at nasa pintuan na.

Tayo’y dapat sumunod sa Kanyang mga utos

Upang tayo’y di abutin ng lungkot.

2

Yayamang malapit na si Cristong mapaninta,

Na siyang hahatol sa isa’t-isa.

Ating ihanda t’wina buhay nati’t kalul’wa

Nang maging karapat-dapat sa Kanya.

3

Doon sa kalangitan t’wina’y nag-aawitan,

At nagpupuri na may kagalakan.

Di na mararanasan hapis o bagabag man,

Kung hindi ligaya na walang hanggan.

Music
GFRoot

Imnario page 311