Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol sa Dios

298

ANG BABALA NG ORASAN

Time’s Clock Is Striking the Hour

1

Ang babala ng orasan, si Cristo’y daratal,

Taglay ang kapangyarihan sa sala’y paparam;

Awit ay aalingawngaw, dagat ang kabagay,

Sa paligid ng luklukan ay mag-aawitan.

Chorus (Koro)

O L’walhati sa Dios, awit ng tinubos,

O l’walhati sa Dios, sa Haring sumakop;

Puri’y aleluya, hanggang walang hangga,

Malapit nang makamtan ang nasang pag-asa.

2

Sa maharlikang tahana’y walang kamatayan,

Ang panaho’y walang hanggan

wangis Niyang tunay;

Pusong wasak lulunasan magpapahingalay,

Ang lungkot ay mapaparam, galak ay aapaw.

3

Ang kasaysayang maganda, si Jesus na sinta,

Sa pook ng t’wa’t pag-asa karimla’y wala na;

Galak ang awit sa t’wina, dito’y pagdurusa,

Lundo ng pakikibaka’y putong ng ligaya.

Lyrics
LSSarmiento
Music
THarris

Imnario page 312