30
ANG ANYAYA NG DIOS AY DINGGIN
Jesus Will Save You Now
Ngayon di’y isasama kita sa Paraiso. Luc.23:23
1
Ang anyaya ng Dios ay dinggin,
Lapit na at sundin,
Ang l’walhating di nagmamaliw,
Ay iyong kakamtin.
Chorus (Koro)
Dumulog na at tanggapin mo
Ang pangakong ito,
Sa pamamagitan ni Cristo,
Patawad ay iyo.
2
Katulad mo’y tupang nawaglit
Sa habag ng langit,
Sa paanan Niya’y ilapit
Ang lahat mong sakit.
3
Masdan mo ang hirap ni Jesus,
Nang Siya’y nasa krus,
Ang buhay N’ya ay inihandog
Dahil sa pag-irog.
- Arranged by
- FCCabildo
Imnario page 47