Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Bautismo at Pagbabagong Buhay

31

LAPIT NA AT TUMATAWAG SIYA

Come to the Saviour

Ang nauuhaw ay lumapit sa Akin at uminom. Juan 7:37

1

Lapit na at tumatawag S’ya,

Ang Dios na balong ng pagsinta,

Ang tinig N’ya ay nagbabadya,

Ng pag-aanyaya.

Chorus (Koro)

Tunay na saganang kakamtan

Ligaya’t walang hanggang buhay.

Lapit na sa Kanyang paanan

At may kaligtasan.

2

H’wag kang matakot at lapit na,

Ang hirap ay dalhin sa Kanya,

Luha mo ay papahirin N’ya,

Tanggap ang anyaya.

3

Bakit ikaw ay nagluluwat

Sa sala mong nagpapabigat?

Naghihintay na may pagliyag

Ang tagapagligtas.

32

DI KA DAPAT MAGPABAYA

(Why Not Tonight?)

Dumarating ang gabi at wala nang makagagawa. Juan 9:4

1

Di ka dapat magpabaya,

Araw na upang gumawa,

O makasalanang aba,

Lapit na ngayon.

Chorus (Koro)

Bakit di ngayon? (Bakit di ngayon?)

Bakit di ngayon? (Bakit di ngayon?)

Lapit ngayon (Lapit ngayon)

Nang maligtas ka.(Nang maligtas ka.)

2

Si Cristo ay naghihintay

Sa tunay na pagmamahal,

Ang puso mo ay ibigay,

Lapit na ngayon.

3

Walang taong itatakwil,

Kahit na sino mang linsil;

Umasa at Siya’y sundin,

Lapit na ngayon.

Ang bukas ay mapanganib,

Mahirap kang makatawid,

H’wag magliban at lumapit,

Lapit na ngayon.

Walang taong itatakwil,

Kahit na sinomang linsil;

Umasa at Siya’y sundin,

Lapit na ngayon.

33

TANGING ISANG PUSONG BAGO

(Saved By Grace)

Likhaan Mo ako ng isang malinis na puso. Awit 51:10

1

Tanging isang pusong bago,

Sa aking Dios ang hiling ko,

Upang itong pagkatao’y

Malapit lamang kay Cristo.

Chorus (Koro)

Pusong bago sa paggawa,

Pusong bago sa kalinga;

Pusong bagong nakahanda,

Sa gawain Mong dakila.

2

Pusong bago kung matanggap,

Kalul’wa ko ay lalasap

Ng saganang awa’t habag

Ng Dios na batis ng lingap.

3

Kung puso ko’y panahanan

Ni Cristo na lubhang banal,

Ang buhay ko ay matibay

Sa suligi ng kaaway.

Baguhin ang bawat gawa,

Sampung isip na masama;

Linisin ang pusong lisya,

Nang tamuhin ko ang pala.

Music
GCStebbins
Lyrics
MBanting

Imnario page 48–49–50