Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Bautismo at Pagbabagong Buhay

34

MAGSILAPIT ANG LAHAT

When the Roll Is Called Up Yonder

Kinakailangan munang maipangaral ang Ebanghelyo. Mar.13:10

1

Magsilapit ang lahat at nang inyong mapakinggan

Mabuting balita ng kaligtasan,

Kaya’t magsilapit na at h’wag na kayong magpaliban,

Hanggang puso ay may pintig ng buhay.

Chorus (Koro)

Si Jesus ang ating buhay

Si Jesus ang ating buhay

Si Jesus ang ating buhay

Lapit na at ang puso ay ibigay.

2

Magsilapit ang lahat sa piling ng Panginoon,

At magsimula nang maglingkod ngayon,

Nang upang sa kat’wiran lahat tayo’y magsihantong

Na siyang ating gintong nilalayon.

3

Magsilapit ang lahat at kay Jesus ay dumulog,

Buhay, diwa at lakas ay ihandog,

Ang lahat ng naligaw sa Kanya’y magbalik loob,

At ang kakamti’y l’walhati at lugod.

Music
JMBlack

Imnario page 51