35
TAYO AY NANGALIGAW
Why Not Now?
Darating ang Panginoon sa oras na hindi alam. Luc. 12:46
1
Tayo ay nangaligaw,
Na pawalay sa daan,
Si Jesus ay dulugan,
H’wag ka nang magpaliban.
Chorus (Koro)
Dumulog na ngayon,
Lapit sa Panginoon;
Dumulog na ngayon,
Lapit sa Panginoon.
2
Yamang ating namasdan
Ang ating kasamaan,
Ang Ama’y naghihintay,
Bakit di mo lapitan?
3
Ang ligalig sa mundo,
Iwaksi sa puso mo;
Ang ligaya’y sasa ’yo
Kung kapiling si Cristo.
4
Ang anyaya ay dinggin
At lumapit ngayon din.
Ang l’walhati’y kakamtin
Kay Jesus na magiliw.
Panaho’y h’wag sayangin,
Lumapit ka ngayon din;
Kay Hesus na magiliw,
Langit iyong kakamtin.
- Music
- CCCase
Imnario page 52