302
SIYA AY DIOS
He Is Lord
Si Jesus ay Panginoon. Rom. 10:9
1
Ang kal’walhatian ay iniwanan,
Sa lupa ay naging taong laman.
Haring alipin, Korderong naalay,
Nabuhay na tigib kalungkutan.
Chorus (Koro)
S’ya ay Dios, S’ya ay Dios,
S’ya’y nabuhay na muli at S’ya ay Dios
Lahat luluhod, saysaying lubos,
Na si Jesus ay Dios.
2
Siya’y tinanggihan at pinulaan,
Duon sa krus Siya’y nabayubay,
Katulad ng kordero nahain sa altar,
Handog sa kaligtasan ng tanan.
3
Diablo’y napigilan, Dios nagtagumpay
Nang s’ya ay mabangon sa libingan.
Ang prinsipe ng buhay na nasa kaitaasan,
Lupa at langit ay nagdiriwang.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- TFettke
Imnario page 316