303
ANG LANDAS KO’Y TUNGONG LANGIT
Higher Ground
Isinapa Niya ako at itinuntong sa malaking bato. Awit 40:2
1
Ang landas ko’y tungong langit,
Tumatarik bawat saglit;
Sa pagakyat ko’y ang hibik,
Sa tuntungan mo’y itindig.
Chorus (Koro)
Jesus ako ay iaakyat,
Sa langit na hinahangad,
Higit sa nakitang patag;
Itindig mo sa panatag.
2
Pangarap ko’y manirahan
Sa langit ng kagalakan.
Walang tukso’t agam-agam,
Sa panatag na tungtungan.
3
Ang nasa ko ay marating,
Ang langit na sakdal ningning;
Kaya lagi kong dalangin,
Ang lakad ko’y pagpalain.
Di ko nais manatili
Sa lagay kong dukha’t imbi;
Kung pangamba’y nagwawagi,
Sa tuntungan Mo’y ikubli.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- CHGabriel
Imnario page 317