Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Tungkol sa Dios

304

O JESUS NA AKING MAHAL

Philippines, My Philippines

Oo, Panginoon nalalaman Mo na Kita’y iniibig. Juan 21:15

1

O Jesus na aking mahal, puso ko’y gawing banal,

Lagi akong aakbayan nang hindi na maligaw,

Ang pagsamo ko sa iyo, ay pagpalain mo ako,

Ang pang-akit man ng mundo ay pagwawagihan ko.

2

O Jesus na mapaninta, iniibig nga Kita,

Kahit saan man humangga, iibigin din Kita.

Ang buhay ko at kalul’wa, aking itinatalaga,

Samahan mo sa tuwina, hanggang sa walang

hangga.

3

Mahal mong kapayapaan, sa akin ay ibigay,

Susundin kong matiwasay ang iyong kalooban.

Puso Ko’y tumatalaga hanggang

ako’y may hininga,

Turuan Mong sundin kita sa hirap ma’t ginhawa.

Bandila Mo’y pasiyain, nang mahawi ang dilim,

At nang maghari ang ningning ng Banal Mong aralin.

Pagpupuri’y walang patid sa pagdaing at paghibik,

Kaya’t ako’y lumalapit sa mahal Mong tangkilik.

“Maryland, My Maryland”

305 SI JESUS ANG LAHAT SA ‘KIN

(Jesus Is All the World to Me)

Sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo. Fil. 1:2

1

Si Jesus ang lahat sa ‘kin, buhay galak, lahat.

Araw-araw S’ya ang lakas, ako’y di babagsak.

Kaaliwan sa ‘ki’y dulot; kalumbaya’y idinulog,

Ang lungkot ko’y pinaparam N’yang lubos.

2

Si Jesus ang lahat sa ‘kin, kaibigang tapat,

Sa pagdulog ko biyaya ay lagi nang sapat.

Ula’t araw Kanyang bigay;

gayon din ang gintong uhay;

Ula’t araw, aning uhay, ay bigay.

3

Si Jesus ang lahat sa ‘kin, ako’y magtatapat,

Hindi ko S’ya tatalikdan pagkat S’ya ay wagas.

Ang dapat ay s’ya ang sundan,

S’yang patnubay gabi’t araw

S’yay susundin gabi’t araw, kaibigan.

4

Si Jesus ang lahat sa ‘kin, kaibigang tapat.

Tiwala ko’y ngayo’t bukas, at hanggang sa wakas.

Magandang buhay kong taglay,

Magandang buhay kaylan man

Buhay, galak, walang hanggan, kaibigan.

Music
WLThompson
Lyrics
Rev. Honorio Rivera probable · printed as HRivera

Imnario page 318–319