Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Iba’t-ibang Pagkakataon

311

MABUHAY MABUHAY

More Like the Master

Ituro Mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan. Awit 90:2

1

Mabuhay, mabuhay ang awit namin,

Masaya ang pusong dumadalangin,

Sa Dios Ama na lubhang maawain,

Na bigyan ka ng buhay na maningning.

Chorus (Koro)

Lumawig nawa ang iyong buhay,

At mapuspos ka ng kapalaran,

Naglilingkod na may kagalakan,

Kay Kristo na laging nagmamahal.

2

Ang samo namin ay pagpalain,

Ang lahat ng araw mo pang daratnin,

Maligtas ka sa hirap at sa lagim,

Laging payapa ang buhay mong angkin.

3

Buhay, lakas na sa’yo’y kaloob,

Ay ipaglingkod ng buong pag-irog,

Gunitaing ang araw ay lulubog,

Magsusulit ka sa hukuman ng Dios.

4

Nagpapasalamat kami Ama,

Sa pag ibig mo na walang kapara,

Ang tahanan na ngayo’y nagsasaya,

Pagpalain mo sa tuwi tuwina.

Lyrics
Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
Music
CHGabriel

Imnario page 324