312
NAPAWAGLIT SA LANDASIN
Mother’s Prayers Have Followed Me
Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Isa.49:15
1
Napawaglit sa landasin,
Pag-ibig N’ya’y di ko pansin;
Ngunit saan man dumating,
Kasunod ko ay dalangin.
Chorus (Koro)
Magbabalik sa tahanan,
Haharapi’y bagong buhay;
Di na muling mawawalay
Sa piling ng nagmamahal.
2
Sa lansanga’t mga bundok
Ay palaboy ako ng Dios;
Ngunit saan pa mang pook
Ang dalangin N’ya’y kasunod.
3
Ang karimla’y nagliwanag
Sa buhay kong napahamak;
Kaya saan man masadlak,
Dalangin N’ya’y nagliligtas.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- BDAckley
Imnario page 325