Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Iba’t-ibang Pagkakataon

313

SA MARAWAL NA KAGUBATAN

The Prodigal Son

Magtitindig ako at paroroon sa aking Ama. Lucas 15:18

1

Sa marawal na kagubatan,

Malungkot na ako’y naligaw,

Sa masidhi kong kagutuman, O ako’y babalik!

Magbabalik na puso’y wasak,

Sa Ama kong lipos ng pagliyag

Upang maging lingkod na hamak, O ako’y babalik!

Chorus (Koro)

Babalik sa tahanan,

Ng Amang naghihintay,

Ang pangakong tunay

Ay magbabagong buhay.

2

Bakit ako ay magtitiis, Na walang lingap at pag-ibig

Gayon namang biyaya’y batid?

O ako’y babalik!

Nagsisisi akong malabis

Sa kasalanan kong marungis,

Awa N’ya’y nais na makamit.

O ako’y babalik!

3

Kay tamis na alalahanin,

Dating mahal mo ay kapiling

Sa tahanang bukal ng aliw, O ako’y babalik!

Tulad kong naligaw ang iba,

Pinatawad at dinamtan pa,

Bakit puso ko’y nangangamba,

O ako’y babalik!

Lyrics
Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Music
GCStebbins

Imnario page 326