314
H’WAG MO PO AKONG BAYAAN
Pass Me Not, O Gentle Saviour
Hindi Niya ibig na sinuman ay mapahamak. 2 Ped.3:9
1
H’wag Mo po akong bayaan,
Sa kalungkutan;
Buhay ko ay patnubayan
Sa buong daan.
Chorus (Koro)
Cristo, Cristo,
Kahabagan Mo,
Nais ko’y Iyong saklolo,
Pagpalain Mo.
2
Ang ilaw ng kabanalan,
Saki’y itanglaw,
Upang buong kabuhayan
Ay maingatan.
3
Sa akin Ikaw’y liwanag,
Pag-asa’t galak
At Ikaw’y tanging panglunas
Sa madlang hirap.
4
Ang pag-asa ay matibay,
Hanggang mamatay,
Na makakamit kong tunay,
Putong ng buhay.
- Music
- WHDoane
Imnario page 327