Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Iba’t-ibang Pagkakataon

315

SI JESUS ANG KAGALINGGALINGAN

The Best Friend Is Jesus

Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon. Kaw.17:17

1

Si Jesus kagaling-galingan,

Mang-aaliw sa kalungkutan,

Ang puso mong sugatan, Ay dagling lulunasan,

Tanging mabuting kaibigan.

Chorus (Koro)

Jesus, kaibigang tunay,

Jesus kaibigang tunay,

Alalay sa mabub’wal,

Tinig Niya’y pakikinggan,

Si Jesus tanging kaibigan.

2

At ano pa ang hahanapin,

Kay Jeus nating mairugin?

Kapayapaan natin, Idinulot na tambing,

Tanging kaibigang magiliw.

3

Sa Kanya tayo ay pumisan

Sa dibdib Niya ay humimlay,

Purihing walang hanggan, Ang Korderong bumanal,

Tanging mabuting kaibigan.

4

Tunay na maikli ang buhay,

At lipos ng hirap at lumbay,

Pagsisihan nang tunay

Ang sinayang mong araw,

Lapit na at magbagong buhay.

Music
PPBillhorn

Imnario page 328