Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Maysakit

316

SAMAHAN MO UPANG DI MALIGAW

Siya’y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan. Awit 48:14

1

Samahan Mo upang di maligaw

Sa malawak na lalakaran,

Patnubayan ng Diwa Mong banal,

Sa piling Mo ako ay maglalakbay

Chorus (Koro)

Aking Jesus, ako’y umaasa

Na sa akin ay umalalay Ka,

Bagama’t buhay ko’y binabaka,

Walang pangamba kung Ikaw ay kasama.

2

Kahit na ang landas ko’y magdilim

At ang luha ko’y di mapigil,

Ang puso ko, nang tinig N’ya’y dinggin,

Nais kong kay Jesus laging mapiling.

3

Sa kalaban ay di mangangamba,

Walang takot, walang balisa;

At ang mga lalang ng kabaka,

Aking madadaig kung kasama Ka.

Imnario page 329