Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Prosesyonal

322

DIOS AT AMA NG AMING MAGULANG

God of Our Fathers

Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa Iyo. Awit 22:4

1

Dios at Ama ng aming magulang,

Purihin Ka sa mga awitan,

Sa pagsamba, Ikaw’ay dalanginan,

Purihin Ka sa Kal’walhatian.

2

Dios at Ama, balong na sagana

Ng pagsintang sa ami’y nagpala,

Sa pagsamba naming mapayapa,

Purihin Ka, O Haring dakila.

3

Dios at Ama, Haring walang hanggan,

Purihin Ka sa pagliliwayway,

Sa paglubog ng maghapong araw,

Purihan Ka, Dios ng kalangitan.

4

Dios at Ama sa kaitaasan,

Ang paghibik namin ay pakinggan,

Diwang Banal ang S’yang ipatnubay,

Nang aral Mo ay pakinabangan. Amen

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
GWWarren

Imnario page 334