323
KAMI AY PANGUNAHAN
Lead On, O King Eternal
Gayon Mo pinatnubayan ang Iyong bayan. Isa.63:14
1
Kami ay pangunahan upang magtagumpay,
Sa paggawa’y tulungan, Iyong patnubayan;
Ikaw ang kaligtasan ng makasalanan,
Pagpapala Mong tunay ang inaasahan.
2
Kami ay pangunahan hanggang kawakasan,
Daya ng kasalanan ay pagtagumpayan;
Gawaing kabanalan at kapayapaan,
Maghahatid na tunay sa ’Yong kaharian.
3
Kami ay pangunahan, Haring walang hanggan,
Landas mong nilakaran, nang aming masundan,
Krus mo ang aming ilaw, sa landas ay tanglaw,
Hanggang kamtin ang buhay, kami’y pangunahan.
4
Kami ay pangunahan, O Haring marangal,
Sa larangan ng buhay, patnubay ay Ikaw,
Paghahada’y kasihan, bigyang kalakasan,
Sa laot ng digmaan, Ikaw’y aawitan. Amen.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- HSmart
Imnario page 335