DIOS ANG PUMATNUBAY
God Be With You
Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo ay suma-inyo. 1Tess.5:28
Dios ang saiyo’y pumatnubay,
Aral N’ya sa’yoy umakay,
Lagi ang Kanyang alalay
Dios ang sa iyo’y pumatnubay.
Hanggang sa ating pagkikita
Sa paanan ni Jesus,
Hanggang sa ating pagkikita
Patnubayan ka nawa ng Dios.
Ang Dios ay sumasaiyo t’wina,
Sa kalinga N’ya umasa,
Puso mo’y walang balisa
Kung Siya’y lagi mong kasama.
Dios sa iyo ay magingat
Sa iyong mga paglakad;
Ang pag ibig ang watawat
Na sa atin ay magliligtas.
Dios Ama nawa’y sumaiyo
Kaht na saan magtungo,
Sa sama ay h’wag patalo,
Sa Ama’y laging pasaklolo.
Ang Dios ay suma-iyo t’wina,
Hanggang muling pagkikita,
Taglayin mo ang lingap N’ya
Ang lakbayon mo’y giginhawa.
Dios Ama nawa’y sumaiyo
Sa mga paglalakbay mo,
Sa sama ay h’wag patalo,
Sa Ama’y laging pasaklolo.
- Music
- WGTomer
Imnario page 336