Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Iba’t-ibang Pagkakataon

325

SA AMING PAGWAWAKAS

Fairest Lord Jesus

Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan. Bilang 6:24

1

Sa ‘ming pagwawakas ng payapang pagsamba,

Salamat sa Iyo, O Ama;

Salamat sa Iyong biyaya sa t’wina

At sa dakilang pagsinta.

2

Saganang biyaya na ipinagkaloob,

Tinatanggap naming malugod;

Ang katumbas nito’y aming paglilingkod

Hanggang buhay ay malagot.

3

Kami ay ingatan, h’wag mong hihiwalayan,

Sa gawain at paglalakbay;

Muli mong samahan sa Iyong sambahan,

Sa ngalan ni Jesus lamang. Amen

Kaluluwa naming, kusang inihahandog

Sa’yo Ama, nang buong lugod;

Sa muling pag-awit at aming pagluhog,

Kami’y patnubayang lubos.

Lyrics
Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
Music
Schlesisches Volkslieder
Arranged by
RSWillis

Imnario page 337