42
HUWAG KANG PATATALO SA MANUNUKSO
Yield Not to Temptation
Labanan ninyo ang diablo at magpakatatag kayo. 1Pedro 5:8
1
H’wag kang patatalo sa manunukso,
Ang pagwawagi mo ay matatamo;
Sa tulong ni Cristo ay bakahin mo
Ang hangaring lilo dito sa mundo.
Chorus (Koro)
Laging hingin ang tulong
Sa bawa’t nilalayon,
Ang saklolo’y patuloy
Sa buong panahon.
2
Lilong kaibigan, dapat layuan;
Sa Dios na pangalan, h’wag paglaruan;
Lagi kang magnilay, nang di masinsay,
Kakamti’y patnubay, si Cristo’y masdan.
3
Sa magtatagumpay, may kagalakan
Na inilalaan, ang Dios na mahal,
Kanyang pakakamtan, ang kalakasan,
Si Jesus ang tingnan, sa iyong buhay.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- HRPalmer
Imnario page 59