43
MAPAYAPANG KALULUWA
It Is Well
Kapayapaan ang suma-inyo. Juan 20:19
1
Mapayapa ang aking paglalakbay
Batbat man ng kalungkutan,
Kahit na anong sapitin ng buhay
Sa puso may kapayapaan.
Chorus (Koro)
Payapang (Payapang) kalul’wa (kalul’wa)
Payapa ang aking kalul’wa.
2
Kahit mabigat ang mga pagsubok
Tapat ang pangako ng Dios;
Batid ang buhay kong kalunos-lunos,
S’ya na sa akin ay tumubos.
3
Kasalanan ko, kung aking isipin,
Lahat ay Kanyang inangkin;
Napako sa krus, inalis sa akin;
Purihin, ang Dios ay purihin.
4
Madaliin Mo po O Dios ang araw,
Araw ng muling pagdatal.
Sa pagtawag Mo, lahat ng kinapal,
Tatayo sa iyong harapan.
- Lyrics
- Rev. Arcadio Cabildo probable · printed as AGCabildo
- Music
- PPBliss
Imnario page 60