Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kalinisan at Pagpipigil

44

ANG MAAMONG TAO AY LIGTAS SA DUSA

Take Me As I am

Mapalad ang maamo. Mat.5:5

1

Ang maamong tao’y ligtas

sa dusa at bagabag;

Puso’y mayaman sa habag,

buhay ay matatag;

Laging may pag-ibig,

payapa ang dibdib,

Ang puso’y laging malinis,

may mabuting nais.

2

At sino ka man, O tao,

banalin ang buhay mo;

Iyong tularan si Cristo,

kaligtasa’y iyo;

Puso mong maamo ay

walang siphayo;

Matatamo ng pangako,

di ka mabibigo.

3

Maamong tao’y mapalad,

ang Dios ang nagpahayag,

Kung mangusap ay banayad,

di nais malinsadl

Laging may biyaya,

buhay ay payapa,

May kakamting pagpapala,

sa Dios na dakila.

Lyrics
Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad

Imnario page 61