45
ANG NAIS KO’Y ISANG BAGAY
A Clean Heart
Siyasatin Mo ako, oh Dios. Awit 139:23
1
Ang nais ko’y isang bagay,
O Dios, sa ‘king naging buhay,
Maging apoy o tubig man,
Linisin Mo akong tunay.
Chorus (Koro)
Ako’y Iyong dalisayin,
At sa apoy ay linisin,
Kasalanan at hilahil
Ay pawiin Mo sa akin.
2
Hawanin ang aking daan,
At linisin ang isipan,
Ang kilos ko ay bantayan,
Pagka’t akoy di dalisay.
3
Ang puso ko, kung di dalisay,
Pangitain pa’y mataglay,
Ang hiwaga’y malalaman
Na landas ng kabanalan.
Alisin Mo ang panimdim,
Kalul’wa ko’y maaaliw;
Lalong nais ng damdamin,
Pusong wagas ay makimkim.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
Imnario page 62