46
PAG-ASA KO AY SI JESUS
Si Cristo na pagasa ninyo sa kaluwalhatian. Col. 1:27
1
Pag-asa ko ay si Jesus
Ang tanging magdudulot,
Sa kahinaan kong lubos
Ng lakas at pagkukupkop.
Chorus (Koro)
Pag-asa ko ay si Jesus,
Na tanging sugo ng Dios;
S’yang sa aki’y magdudulot,
Buhay na di matatapos.
2
Ang ating buhay ay Kanya,
Ang puso’t kaluluwa;
Tayo’y sinakop sa sala,
Nang sa langit ay madala.
3
O kay ligaya’t kay saya
Kung kay Cristo masama;
Sa piling ng ating Ama,
Ang awiti’y walang hangga.
4
O kay tamis kung makamit
Ang gantimpalang langit;
Lapit ngayon, O kapatid,
Kay Jesus tayo kumapit.
- Lyrics
- Bishop Francisco Gregorio · printed as ObFGregorio
Imnario page 63