48
O DIOS AMA NG DAIGDIG
Dear Lord and Father of Mankind
Patawarin Mo kami sa amingmga kasalanan. Luc. 11:4
1
O Dios Ama ng daigdig,
Patawad ang hibik,
Baguhin ang aming isip,
Buhay ay gawing malinis
Sa pagpuri’t awit.
2
At sa payak na tiwalang
Namasdan ng madla,
Sa tawag Mo, O Dios Ama,
Walang munting katagang
Sumunod na kusa.
3
Hamog ng katahimikan,
Sana’y maramdaman;
Hirap sa ami’y iwalay
At mahayag sa ‘ming buhay
Ang kapayapaan.
4
Sulak ng nasa’y loobing
Iyong payapain,
Diwa’t laman ay pigilin,
Sa lindol, alab at hangin,
Tinig Mo ay dinggin.
Dakilang pamamahinga sa may Galilea,
Sa halamanang maganda,
Dalangin N’ya ay nagbadya
Diwa ng pagsinta.
- Lyrics
- Vedasto DeMesa Diolanda probable · printed as VDDiolanda
- Music
- FCMaker
Imnario page 65