Dulong Malabon IEMELIF ChurchDistrict II East

Kalinisan at Pagpipigil

49

SI JESUS ANG SIYANG TANGING LUNAS

The Guide Book Divine

Magsiparito sa Akin kayong nangapapagal. Matt. 11:28

1

Si Jesus ang siyang tanging lunas,

Patnubay sa madlang mga hirap,

Pumapawi sa mga bagabag

Ng taong nalugami sa lusak;

Dahil sa di masayod na habag,

Sanlibuta’y Kanyang iniligtas.

Chorus (Koro)

Kaya ang bilin N’ya, makasalanan,

Ang puso’t kalul’wa’y pahugasan

Sa ganang daloy ng dugong mahal,

Nang iyong makamtan yaong buhay

Na walang hanggan

2

O Kristiano, magbago ng landas,

Ang kilos mo at diwa’y itumpak,

Dapat ka nang ngayo’y magbalikwas

Sa kasalanang magpapahamak;

Magsisi nang dalisay at tapat,

At tanggapin ang Tagapagligtas.

Lyrics
Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
Music
FCCabildo

Imnario page 66