50
SA AKI’Y MAY PUMAPATNUBAY
He Knows the Way
Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay. Awit 16:11
1
Sa aki’y may pumapatnubay
At di ako maliligaw;
Si Cristo ang ilaw ng buhay,
Liwanag N’ya’y tumatanglaw
Chorus (Koro)
Ang daan sa kal’walhatian
Ay lubos N’yang nalalaman,
Tayo’y Kan’yang dadalhing tunay
Pagka’t alam N’ya ang daan.
2
Alam N’ya ang aking kaaway
Kaya’t Siya’y nagbabantay.
Hindi ako pababayaan
Sa paglakad araw-araw.
3
Kung landas ko’y lubhang madawag
At makapal pa ang ulap,
Silahis ng Kanyang liwanag
Ang tatanglaw hanggang wakas.
Ang puso ko’y lugmok sa dusa, At ang hapis na kalul’wa,
Si Kristo ang tanging pag-asa, Magdudulot ng ginhawa.
Kung landas ko’y lubhang madawag,
At makapal pa ang ulap, Silahis ng Kanyang liwanag
Ang tatanglaw hanggang wakas.
- Music
- AHackley
Imnario page 67