51
ANG BUHAY NG TAO AY KAYAMANAN
Just theLove of Jesus
Mangagibigan kayo sa isa’t isa. 1 Pedro 1:22
1
Ang buhay ng tao ay kayamanan,
Mahigit sa pilak, dunong karangalan,
Kung kaya sa kap’wa’y dapat magmahal,
Nang ikaw’y ibigin ding tunay.
Chorus (Koro)
Kung ang nais mo ay ibigin
Nang kahi’t na sinong kakaulayawin,
Ay magpauna sa paggiliw,
At ikaw man ay iibigin.
2
Sa halamanan mo’y pilit ipunla
Ang binhing dalisay ng ‘yong kawang-gawa,
Di mararating ang bayang payapa
Kung sa kap’wa’y di maaawa.
3
Dapat ikat’wa kung mayroong hirap
Na nararanasan ang Cristianong tapat;
Sa paglilingkod ng di kumukupas,
May biyaya sa bawa’t oras.
4
Ang dunong at yaman at maging buhay
Dios ang S’yang sa ati’y tanging nagbibigay,
Di dapat sayangin sa walang saysay,
Kundi ipaglingkod na tunay.
- Lyrics
- Bishop Lázaro G. Trinidad · printed as ObLGTrinidad
Imnario page 68